
Ni; Master Hakak
Sa isang Hardi’y may dalawang paslit
Doo’y nakikipaglaro sa mga bulaklak
Animoy para silang nasa langit
Sa taglay na kagandahan nito’y
Pati ulap humahalik sa talulot.
Sa tagal ng kanilang pag-aaliw
Biglang may dumapo sa palad na manipis
Isang paru-parong ubod ng ganda
Dalawa’y namangha at nabighani
Lalo na sa matang parang guhit.
Balak sanang iuwi paru-parong mayumi
Ngunit sabi ng isa’y hindi maaari
Sapagkat paru-paro’y maaaring masawi
Ang tao ay sa kapwa tao lamang
At ang paru-paro namay gayun din.
Sabi ng isang munting bata
Kung talagang nais mo siya
Palayain mo’t hayaang lumipad
Sapagkat kung para sa iyo’y
Hindi siya aalis sa iyong palad.