Monday, December 24, 2007

Tayo'y magsiTULA ni MASTER HAKAK

Paru-paro sa Hardin
Ni; Master Hakak

Sa isang Hardi’y may dalawang paslit
Doo’y nakikipaglaro sa mga bulaklak
Animoy para silang nasa langit
Sa taglay na kagandahan nito’y
Pati ulap humahalik sa talulot.

Sa tagal ng kanilang pag-aaliw
Biglang may dumapo sa palad na manipis
Isang paru-parong ubod ng ganda
Dalawa’y namangha at nabighani
Lalo na sa matang parang guhit.

Balak sanang iuwi paru-parong mayumi
Ngunit sabi ng isa’y hindi maaari
Sapagkat paru-paro’y maaaring masawi
Ang tao ay sa kapwa tao lamang
At ang paru-paro namay gayun din.

Sabi ng isang munting bata
Kung talagang nais mo siya
Palayain mo’t hayaang lumipad
Sapagkat kung para sa iyo’y
Hindi siya aalis sa iyong palad.

Tayo'y MagsiTULA ni MASTER HAKAK


Ang Hiwaga ng Pag-ibig
Ni;Master Hakak

Sabi ko sa aking sarili
Hindi na kong magmamahal muli
Pero ng masulyapan ka sandali
Ikaw ang aking napili
Kaya ngayon ako’y nagmamadali.

Sa aking pagtulog
Utak ko ay bumibilog
Di alam kung anong bumubulabog
Biglang pumasok ikaw na iniirog
At ang puso ko ay binubugbog.

Nang ika’y mapa sa akin
Ako’y naging masayahin
Saksi ang mga bituin
Mga pagsubok ay aking titiisin
At sa ibang dalag ay di-titingin.

Sa bawat galaw ng orasan
Ikaw ang nasa aking isipan
Naghahanap at pinagpapantasyahan
Ang iyong likas na kagandahan
Ay talagang pang kalikasan.

Ang pag-ibig ay parang sugal
Sa isang larong napakamahal
May lugar na tintanghal
May batas na pinagbabawal
Na dapat sundin ng nagmamahal.