Thursday, October 30, 2008

tatay ko!

SA LOOB NG 22 TAON NAKITA KO RIN ANG AKING AMA.
DYAN LANG PLA KITA MAKIKITA SA TARPOLINE NI MCF. BUTI NA LANG AT HINDI AKO SUMUKO. HEHE!

Tuesday, October 21, 2008

INDIE-SIKAT STORY

Short story entitled: TANG INA NYO TAY!
sa panulat ni Mark Aruta.
characters


Larry Marcelo as Lolo






Solei Santos as Mercidita



Michael Marcelo as asawa ni mercidita





Arbie Bobis as anak ni Mercidita


Isaang araw ay nasa hapagkainan ang mag-anak ni Mercidita. Habang nasa lamesa ang mag-anak nito ay kinuha ni Mercidita ang kanilang hapunan. Tinanong si Mercidita ng kanyang ama.
Lolo: Mercidita ano bang niluto mo?
Mercidita: Canton toppings po tay.
Lolo: Sinong patay?
Asawa ni Mercidita: Tay canton toppings po ang dinner.
Lolo: Ano kamo may winner?
Anak: Lo.. lo.. canton toppings po.

Lolo: magsashopping tayo?
Dahil sa hindi maintindihan ng matanda at nagugutom na rin ito ay kumain na lang ito. Habang ngumunguya ang matanda ay nasarapan ito. Nagsalita rin itong matanda at biglang salita ng.
Lolo: Ang sarap mo talagang magluto (habang puno ang bibig ng pagkain)
Mercidita: Ano po iyon?
Lolo: Kako! ang sarap mo talgang magluto.. (pabulong) ay bingi..
Mercidita: (pabulong din) tang ina nyo tay...
Eh ang hindi alam ni Mercidita ay narinig ito ng kanyang Tatay.
Lolo: TANG INA MO RIN!

just for laugh!

Sa Aking Pananaw.....

1. Huwag mong akyatin ang puno na di mo naman kayang akyatin.
2. Ang pagtitiwala ay parang alambre na kapag nabaluktot ay di na maibabalik pa.
3. Kahit anong basa ng kahoy masusunog at masusunog pa rin ito.
4. Ang langis kahit anong halo hindi pa rin magsasama.
5. Hindi lahat ng nutrition fact ay totoo.
6. Hindi lahat ng ginagawa ng matatanda ay ginagaya ng bata.
7. Hindi totoo na practice makes you perfect dahil nobody is perfect.
8. Kahit anong takip mo sa kumukulong tubig. Lalabas at lalabas pa rin ang usok nito.
9. Ang katotohanan kapag tinago ay masarap pero kapag ito'y binulgar ay masakit.
10. Hindi lahat ng dugo ay galing sa sugat.
11. Hindi lahat ng may boobs ay babae.
12. Hindi lahat ng importante ay mahalaga.

Tuesday, October 14, 2008

TAGUMPAY!! bakit? basahin mo! ^_^

Nairaos na nga ang aming REUNION. Naging maayos naman ito at kahit nagkaroon ng konting problema ay sa kabuuan ay naging masaya ito. Ang hirap talagang mag-organisa ng ganitong event nakakabadtrip pero masaya. Nakakabadtrip kasi yung iba nagsabi na, "Oo nga sure ako." Tapos sa bandang huli ay hindi pala sasama. May mga nagpalusot na may period sila, ok naman diba kahit hindi sila lumusong sa swimming pool? Yung iba naman pagod daw at walang tulog, ako nga sa totoo lang hindi talaga ako naakatulog sa kakaisip kasi ako nag-asikaso sa aming kakainin. Yung iba naman hindi na nagparamdam sila pa naman yung inaasahan ko na darating. Yung iba talagang valid yung reason kasi first day ng work nila, walang pera, ayaw payagan ng asawa, walang mag-aalaga sa baby nila at marami pang iba. Pero wala naman akong sama ng loob sa mga hindi sumama dahil, "bakit ko pipilitin ang ayaw?" at yung mga hindi ko inaasahang pupunta sila pa yung dumating.
Una kong tinext ay si Pogi para magpatulong sa pagbitbit ng mga gamit at pagkain namin. Pagdating namin sa Tambay kay Lim ay wala pang dumadating buti na lang ay biglang dumating si Reymond Red. Pinaiwan muna namin sa kanya ang aming gamit at tinext ko si Robert Breboneria para magpatulong sa sound system na gagamitin namin. Doon na kami nagkita sa bahay nila Larry Marcelo at Bryan Tiamzon dahil yung gagamitin na sound system ay kay Larry at magkalapit lang sila ni Bryan. Tamang-tama lang ang pagdating ko kina Larry at Bryan dahil nandoon na rin si Robert. Buti na lang din ay nakita naming nagbabasta na itong si Bryan dahil sa ang gagamiting ice box ay sa kanya. Habang nagbabasta si Bryan ay pinagising na namin si Larry sa kanyang nanay. Pagkatapos nilang magbasta ay dinala na nain ang mga gamit sa Tambay kay Lim. Pagdating namin doon ay nadatnan namin si Jobert na ayaw nilang isama. Maya-maya pa ay nagsimula nang dumating ang mga kabatch ko kagaya nila Jerry Gurrobat, Edlene Reyes, Dennise Pabua at Jay Arcilla. Samantalang si Ace Adigue ay napadaan lang at sumama na rin siya. Si Dennise naman ay umalis para sunduin si Lendlyn. Medyo napaisip ako dahil mukhang kukulangin kami sa pagkain kaya naman inutusan ko na sila Robert at Jobert na bumili ng hotdog. Bumili na rin kami ni Pogi ng 2 kilong porkchop at 2 kilong tilapia sinobrahan ko na para kung may mga dadating pa ay meron pa. Pagbalik namin ay dumating na rin sila Paul Santiago, Aldrin Gozo, Gloria Budomo at Antonia Serrano. Sakto ding dumating na rin ang aming sevice na tropa ni Ronnie Gonzaga at may kasama pa siyang dalawang kaibigan na Police. Hindi muna kami agad umalis dahil hinihintay pa namin si Angelito Acasio na always late. Kaya naman pagdating niya sa Tambay kay Lim ay agad na kaming umalis dahil anong oras na iyon alas siyete na ng gabi.
Pagdating sa Flamingoes ay pumili muna kami ni Ronnie ng cottage na malaki. Yung napili niya ay hindi ko nagustuhan dahil nasa sulok ito at parang ang lungkot. Yung napili ko naman ay yung pavillion d na medyo malaki kaya ang isang 60 katao. Akala namin ay 2400 iyon yun pala pagkasama ang videoke, 1800 lang paghindi kasama. Tapat nug cottage ay yung mababaw lang na pool na gusto ko rin ^_^. Pagkabayad namin sa cottage ay sunod na naming binayaran ay ang kanilang entrance. Pagpasok namin ay agad naming inayos ang lamesa ng pahaba para mas magandang tignan at magkita-kita lahat. Nagulat ako sa dami ng tao sa Flamingoes dati naman noong nagswimming kami ay kami lang ang tao. Pinaasikaso ko na agad ang aming pagkain kina Gerry Gurrobat, Antonia Serrano, Gloria Budomo at Reymond Red. Makalipas pa ang ilang minuto ay nagsimula na ring magdatingan ang iba pa naming mga kabatch. Sina Angeline Cristobal, Janica Santiago at Solei Santos, Roberto Andres, Grace Nicdao, Dennise Pabua, Lendlyn Nazal, Michael Aguila, Michael Sta. Ana, Janley Tañola. Michael Marcelino, Rowell Oberes, Mark Angelo Malolos, Albert Villamonte, Christoper Bobis, Arbie Bobis at Renato Reyes. Biglang nagtext sa akin si Leilanie Austria na nasa simbahan na siya ng Concepcion at sabi nito na sasakay na lang siya ng tricycle papuntang Flamingoes. Ang akala ko talaga ay hindi na siya pupunta. Inabangan ko agad siya sa gate ng Flamingoes para may sumalubong sa kanya. Pagdating niya sa ay agad ko siyang nakilala ganon pa rin konti lang nagbago sa sa kanya hehehe pero gumanda siya ng konti. Nung nagtanong siya nakung kasama sina Noel Cartativo at Diona Montalbo ay medyo nalungkot ang mukha nito. Lalo na nung ipakilala ko na siya sa mga kabatch ko na hindi na niya gaanong kilala, mukhang gusto na nga niyang umuwi noon hehehe. Kaya sinabi ko kay Jaja na kausapin muna para hindi maOP buti na lang may mga kabatch ako na babae na medyo naaalala pa niya. Hinayaan ko na siya doon dahil lulutuin pa namin ang kakainin namin. Medyo natagalan kami sa pagluluto dahil kinulang kami sa binili kong uling. Kaya nagpabili na kami kina Paul at Aldrin ng uling, toyo, kamatis, kalamansi at sili. Pero nakalimutan namin magpabili ng bigas buti na lang isa sa mga kabatch namin ay may dalang bigas. Pero kukulangin iyon kaya nagpasama na ako sa labas kay Larry bumili bka sakaling may tinda doon. Nung nasa tindahan na kami ni Larry ay may sumusunod sa aming nakapulang lalake. Alam kong naktunog na itong sa Larry at ako rin kaya naman naghanda na ako binaling ko na ang aking mata sa lalake na iyon. Hindi pa rin ito umaalis kahit binabalingan na namin ng tingin. Kaya naman pagka-abot ng sukli ay nagmadali na kaming naglakad pabalik sa loob ng Flamingoes. Napansin ko na tintitigan kami ng lalake na nakapula. Pasalamat na lang kami at hindi nangyari ang iniisip ko. Kaya nung nasa loob na kami ng resort napaisip ako, bakit kaya kami sinusundan ng lalake? Siguro nababading lang kay Larry Marcelo akala si Vic Sotto. Habang inaasikaso ang mga pagkain ay nagmamasid-masid ako sa aking mga kasama. Mukhang naiinip na sila dahil yung iba nakahiga na, meron naman nakayupyop na sa mesa at yung iba napapamura na sa tagal ng pagkain. May iba naman nagsasabi na ng hindi maganda at para hindi sila mabagot may mga nagpunta sa ibang pool naghahanap ng mga chicks. May iba naman inaliw na lang ang sarili sa tugtog. Napansin ko naman si Leilani na nakikihalubilo na siya inisip ko kasi baka maOP siya buti na lang at hindi dahil ako pa naman nagimbita sa kanya. Pagbalik ko galing sa ihawan ay napansin kong nawala ang mga lalake sa cottage yun pala ay nasa gilid lang malapit sa cr nagtatago sila sa dilim, hindi ko alam kung bakit sila nandoon? Mukhang hindi na nila natagalan pa at mukhang uhaw na uhaw na sila sa alak. Si Toto pala ang bumili ng alak na iyon. Lumipas pa ang ilang minuto ay dumating na nga sina Aldrin at Paul, kaya pala sila natagalan ay sa bayan pa sila bumili dahil sarado na sa Concepcion Market. Kaya naman nang maluluto na lahat ng pagkain namin ay nilinis ko na ang dahon ng saging at inilatag ko ng pahaba sa lamesa. Napansin ko na nananabik na sila sa pagkain hehehe, anong oras na kasi iyon 10:00 na ng gabi huli na para maghapunan ^_^. pagkatapos naming kumain ay lumapit sa akin si Leilanie nagtatanong kung pwede pang lumabas para kunin ang charger ng kanyang digi-cam. Lumapit kami ni Leilanie sa guard ngunit hindi pinayagan dahil alas dose na ng madaling araw hindi na sila nagpapalabas nang ganoong oras. Nagpumilit parin itong si Leilanie, kulitin ko daw para pumayag. Ang sabi ko sa kanya mas maganda kung mga babae ang kumausap, alam mo na? Ang kahinaan ng mga lalake ay mga babae. Hindi nga ako nagkamali at pumayag itong si manong guard ngunit may kapalit magbabayad kami ng 300 para daw sa dalawang taong lalabas. Hindi kami pumayag dahil mukhang pineperahan lang kami ni kumag guard. Kaya humingi kami ng saklolo kay Janica siya ang tinawag namin dahil iba ang karisma nito ^_^. Hindi nga ako nagkamali at natapyas ito sa 100, ibang klase talaga itong si Jaja. Umalis na nga sila ni Michael Sta. Ana at Leilanie Pra kunin ang charger sa Santolan. Pinatago sa akin ni Leilanie ang kanyang digi-cam. Samanatalang ang mga lalake naman ay pinagpatuloy na nila ang kanilang inuman. Pinakamaingay sa amin ay si Arbie Bobis. Habang tumatagl ay lalo kaming umiingay buti na lang ay nasira yung speaker dahil kung hindi ay makakdagdag pa ito at baka pagalitan na kami. Nabad shot na nga kami bago pa mag-inuman dahil sa lakas namin magpatugtog. Mayroon na kasing City ordinance na pinapatupad ngayon sa Marikina City. Habang nag-iinuman sila ay nakisalamuha muna ako sa mga hindi umiinom na ibang girls at boys sa pool. Napansin ko din yong dalawang pulis ay busy din, hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa maliit na pool. Ayoko naman silang istorbohin baka magalit sa akin hehehe. Maya-maya ay umuwi na si Angeline Cristobal dahil dumating na ang service nito. Sana nagenjoy si Angeline kahit sandali lang siya doon. Lumipas pa ang ilang minuto ay dumating na din sina Michael Sta. Ana at Leilani Austria dala ang charger kaya naman agad na naming sinaksak ang charger para naman hindi masayang ang aming happy moments doon. Pagkatapos macharge ni Leilanie ay agad na kaming nagpicturan. Ngiti dyan, pwesto dito, solo nila, tatluhan, apatan, solo ng mga girls, solo ng mga boys at kung anu-ano pa. Gusto ko kasing mangyari ay parang class picture kaya pinaayos ko sila kay Michael Marcelino. Noong una ay ayaw pang magsikilos nung iba , buti na lang pinilit ni Michael Marcelino at kung hindi pa mumurahin ng pasigaw hehehe. (1,2,3 click!) Bigla silang nagsigawan ng sabay-sabay na ubod ng lakas para bang nanalo sa championship games. Humirit pa sila ng isa at pagkatapos ay nagbasaan ng beer. Malas ni Solei dahil tinamaan siya kaya naligo siya sa beer. Masayang-masaya ang lahat at yon naman ang gusto kong mangyari. Magkita-kita ang lahat at magsaya. Pagkatapos noon ay nagsipuntahan na sa pool ang mga pasaway, yung iba naman ay shy type pananonood lang. Ang mga maiingay sa pool ay sina Arbie Bobis at Rowell Oberes na nag-aalaskahan tungkol sa kanilang mga anak at kung sino daw ang baog. Siguro kahit nasa dulo ka ng resort ay maririnig mo ang boses ng dalawa. Bigla ba namang may sumigawa na "HAPPY BIRTHDAY ARUTA." Sira ulo talaga tong mga to pati ako ay inalaska. Kung may masayang nangyari ay may kabalintunaan din ito. Muntikan pang may mag-away sina Bryan Tiamzon at Rowell Oberes. Hindi kasi nagustuhan ni Bryab Tiamzon ang biro ni Rowell kay Edlene. Kung ano man ang sinabi ni Rowell ay hindi ko na lang babanggitin. ( tom na lang ulit mga readers ^_^ pakonti konti lang muna dapat.. baka maubos ^_^ )

WRONG TIMING NAMAN KASI !!!!!

Isaang araw bago ang reunion ilan sa mga kabatch ko ang pumunta sa ST4. Ano ba tong ST4 na ito? Ito lang naman ay isang lugar na Paraiso ni Eba at napapaligiran ng mga anghel sa dilim. Ang mga ito ay sina tree, troublemaker, vision, secretary at si kiss master. Inakala ko kasi noong una ay iinom lang sila sa bahay iyon pala ay pupunta sila doon. Nakita nila si Jake Manalo ang pinagsamang kagwapuhan nina Jake Quenca at Jay Manalo. Ito ay si Joseph Buton. Nakita nila ito doon si Jake Manalo dahil doon ito nagtatrabaho bilang door man. Ang pagkakakwento sa akin ay ganito. Pagkatapos namin magmeeting noong friday Oct. 10, 2008 niyaya nila ako na uminom pero hindi ako sumama. Pagkatapos naming maghiwa-hiwalay ay tinext nila si secretary tinanong nila kung gusto niyang makakita ng Taboo. Dahil sa game itong si secretary ay sumama naman ito. Pumunta na nga sila sa ST4 na malapit lang sa Sta. Lucia East Grand Mall. Dahil nga sa first time ni secretary makakakita ng ganoon ang akala niya masisiyahan siya ngunit dismayado siya sa nakita niya. Nasabi na lang niya ay ganito, "Iyon na ba iyon?"

Para maiba naman ang scenario ay "PUMITAS SILA NG MANSANAS AT INILAGAY SA TABLE." Ang una daw tumikim sa mansanas ay itong si kiss master. Kakaiba daw siyang tumikim para daw umiinom ng softdrinks na walang straw. Nakakapanghinayan na hindi ako nakasama pero ok lang. ^_^

Tuesday, October 7, 2008

ANG KAPE!

Putang ina hindi ako makatulog hanggang ngayon. Anong oras na? alas 9:30 na ng umaga. Bakit ganoon? Ang katawan ko gusto ng matulog pero ang diwa ko gising na gising para ba akong nagshabu. Kahit hindi pa ako nakakatikim ng Shabu. Wala naman akong gnwa kahapon kundi kumain at manood ng tv. Pinanood ko lng kagabi ay TV Patrol, Betty La Fea, Dyosa basta lahat ng kapamilya show. Pagkatapos ng "Kahit Isang Saglit" pinanuod ko yung "I Didnt Know That" sa National Geographic kaso patapos na yung sumunod na lang ang pinanood ko yung "Lockdown" ang galing sa America mahigpit ang seguridad sa kanilang kulungan at malinis hindi tulad sa mga kulungan dito parang sardinas kaya nagkakahawaan ng sakit. Tapos pinag-aaral nila lahat ng gustong kumuha ng college degree ang mga preso sa America sana dito rin sa Pinas may ganoon din at kumpleto din sana ng gamit sa eskwelahan katulad sa America. Kaso mukhang imposible yun eh NAPAKACORRUPT ng mga tao natin sa gobyerno. Siguro kapag ako na ang Presidente ng Pilipinas bka magbago pa yon. Teka! bakit ako napunta dito eh ang pinag-uusapan natin yung tungkol sa hindi ako makatulog eh. (Balik tayo..) Habang nananood ako ay ginutom ako kaya bumili ako ng Nova at Nescafe dahil mahilig ako sa kape. Habang naubos ko na ang una kong timpla ng kape ay nagtimpla ulit ako hindi ko namalayan na naubos ko ang isang balot ng kape. Ang sarap niya talaga lalo na kapag mainit-init at aamuyin mo ang aroma nito. Wow! ang sarap tlga para ba akong napapaligiran ng mga anghel na magaganda at tinutugugan ng violin kaya ngayon eto at hindi makatulog... Buwisit na Kape yan!!

Monday, October 6, 2008

MEETING DE INUMAN ^_^


Oct. 4, 2008 naganap na nga ang General Meeting para pag-usapan ang mga dadalhin at mga dapat gawin sa araw ng reunion. Unang nagtext sa akin ay si Michael Marcelino sabi niya na nasa Tambay kay Lim na siya mga alas kwatro y media non. Nagulat ako kasi ang aga niya lagi kasing late din iyon sa usapan. Pagdating ko sa Tamabay kay Lim ay silang dalawa ni Mark Cris Mosuela ang nadatnan ko pero maaga ding umalis si Mark Cris may praktis yta sila ng kanyang kagrupo. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Janica Santiago kasunod nito si Edlene Reyes at Amelita Cordovilla. Maya-maya pa ay dumating na sina Michael Aguilar, Mark Arvin Santos, Mark Angelo Malolos, Angeline Cristobal, Larry Marcelo, Analisa Legal, Dennise Pabua, Jay Arcilla, Dennise Ramos, Cristy Ann Jota, Robert Breboneria, Janley Tañola, Roberto Andres at Jan Amper.
Natapos na nga ang meeting at nagplano naman kmi kung anong gagawin susunod naming gagawin. Napagpasyahan namin na uminom tutal Sunday naman bukas at walang pasok. Dapat ay magbabaar kami malapit sa Bluewave kaso mapapmahal kami buti na lang at nag-alok ng pwesto si Analisa. Nagpatak-patak ng isang daan, dalawang daan at meron ding tigsisingkwento.
Sinimulan na nga ang inuman, ang unang nag-ambag ng kanyang singkwento ay si Michael Mata. Tawa kami ng tawa makatotohanan kung magkwento si Mata kasi naman habang nagsasalita ng malakas may kasama pa itong gawa kaya naman mukhang toto ito. Natawa talaga ako sa kwento niya tungkol sa anak ni Kris Aquino na si Josh, abnoy daw kasi at inaalog ni Josh yung kotse para daw magigiba. Marami pang kinuwento itong si Mata na nakakatuwa kaya nga kahit hindi umiinom si Angeline Cristobal ay nalasing sa kakatawa. Hindi na siya nagtagal doon at umuwi na rin ng maaga. Lumipas pa ang ilang minuto ay may mga tama na ng kami dahil medyo umiingay na.
Si Larry ang nakakatuwa rin siguro sa kalasingan ay nabingi na kasi ba naman ang pagkakadinig niya sa BIOGESIC ay AGENCY kaya ayon nagtawanan ang lahat at pinagtripan pa siya. Hehehe pero sport naman si Larry hehehe. Ilang minuto pa ang lumipas ay pulang-pula na itong si Agency at nakita ko siyang tumayo. Sinundan ko si Agency kasi akala ko ay tatakas siya pero hindi pala sa gripo lang. Sabi ko, "tsong anong ginagawa mo?". Sumagot naman siya,"iihi lang pre.
pero pagkatpos niyang umihi ay "BRAAHHHH" ang narinig ko at may kasmang kanin-kanin na lumlabas sa bibig hehehe. Pagkatapos niyang sumuka ay umupo siya at himihingi ng solo ng pic hehehe.
Sumunod na umuwi ay si Janley Tañola dahil nga ay may pasok pa siya ng alas 2 ng umaga. Pero kahit merong mga umuwi ay may mga dumating naman. Sumunod na dumating ay si Ryan Josef at Joey Tamayo kaya naman lalong umingay sa pwesto namin. Puro tili at yapos ang makikita mo para tuloy naging santo ang mga lalake kasi ba naman si Joey Puro yapos sa lalake na kabatch niya. hehehe... Hindi na nakayanan ni Agency at nagpaalam na nga itong umuwi hindi na namin napigilan itong si Agency kaya pinauwi na namin. Sumunod na dumating ay si Arbie Bobis na mukhang tumakas lang dahil sa suot na tsinelas, pang babae kasi. Dumating din si Christoper Bobis humabol.
Hindi na namin namalayan na wala na plang alak kaya nagpabili ng alak itong si Manager Ryan at pulutan na ang bumili ay sina Malolos at Jay. Nabadtrip naman itong si Jay dahil wla siyang nakain na Litsong manok hehehe.. Ako nga nakain ko lang ung MAY MIRYENDA PA hehe.. Sabay-sabay nang nagsasalita kaya naman maingay na talaga kami kaya naman parang nakakahalata na ko na parang pagsasabihan kami. Ang pagkakaalam ko ay tumawag ang kapatid ni Ana sa kanya. Kaya napagpasyahan namin na lumipat n lng ng Calumpang. Hilong-hilo na talaga ako non kaya kung anu-ano at paulit-ulit ang mga sinasabi ko. (sundan ang susunod na rebelasyon!! kahindik-hindik at kagila-gilalas!)...........