Tuesday, March 24, 2009

HINDI KO NA KAYA TO!!!

Hindi ko na kaya to. Nahihirapan na ako lalo na kapag may ginagawa ako. Iyong mga nagagawa ko dati hindi ko na magawa. Hirap na hirap na talaga ako. Ang hirap maggupit ng kuko sa paa. Alam kong hindi lang ako nakakaramdam ng ganitong pakiramdam. Siguro panahon na upang gawin ko ito. Jaja, Amelita, Grace at tidibear panahon na para magpapayat tayo. Hehehe kailan ba kayo pwede jogging naman tayo hehehe... Kung gusto niyo naman unahan tayo?! Hehehe.. dapat sa swimming payat na hehehe.. xempre dapat may papremyo.. sino magiisponsore jan?! hahaha'

Dancing Penguin Pictures, Images and Photos

Monday, March 16, 2009

March is Women's Month

Hay! Ang babae nga naman =). Maraming papel sa buhay ng mga kalalakihan ang mga kababaihan. Sila ang nagbibigay lakas at kalagiyahan sa mga kalalakihan. Kahit paminsan-minsan ay hindi mo maintindihan ang kanilang mga desisyon. Akala mo oo na iyon pla hindi pa. Akala mo ayos na iyon pla hindi pa. Marami na rin silang kayang gawin na ginagawa ng mga lalake. Ang babae nga naman. Ang mga kababaihan din ang nagsisilbing ilaw sa isang tahanan. Sa isang pamilya mas maraming ginagampanan ang mga kababaihan. Kapag wala si tatay sa bahay ang mga nanay natin ang naiiwan sa tahanan. Kaya naman sila ang nag-aalaga sa kanilang mga anak. Sila ang namamalengke at nagluluto sa bahay. Sila din ang naglilinis, naglalaba ng mga damit at kung anu-ano pa. Si Nanay din ang naging una nating guro kung saan tinuturuan tayo ng mga mabubuting asal at para maging kapakipakinabang tayong nilalang. Bukod naman kay nanay naan diyan sila ite, ate, tita, lola, classmate na babae, kaibigan nating babae, kapit bahay nating babae, katrabaho nating babae, tinderang babae, driver na babae, katextmate nating babae, dancer na babae, katulong na babae, police na babae, mayor na babae, babae na puso lalake, babaeng matador at marami pang iba na dapat din nating mahalin at irespeto. At ang pinakmahalagang papel ng mga kabababaihan sa atin ay sila ang nagluluwal ng sanggol na pinakmahirap gawin. Siyam na buwan nilang dinadala ang sanggol sa kanilang sinapupunan at bukod pa diyan ay nasa kabilang hukay ang kanilang paa sa tuwing silay nanganganak. Ano kaya kung ang mga lalake naman ang manganak para marealize namin kung gaano tlga kahirap manganak. (Hehehe pangit tignan yata non?! haha') Kaya naman dapat nating mahalin at respetohin ang mga kababaihan na ating nakakasalamuha. Itigil ang domestic violence sa mga kababaihan, ok lang siguro kung ang mga lalake ang nagugulpi ng mga babae hehe. Itigil din sana ang paggamit sa mga kababaihan bilang instrumento ng kalaswaan. Sa mga kababaihan naman para hindi gawin sa inyo yan umayos kayo! diba?! =). Kaya naman sa nanay ko na hindi ko masabihan ng ganito kaya dito ko na lang gagawin. "I love you Nanay Ayie" hehehe.. Pasensya na kayo hindi kasi ako expressive na tao. hehehe..
Mabuhay lahat ng mga kababaihan sa buong mundo..

Friday, March 13, 2009

PINAS!

www.kaygandangpinas.blogspot.com

SANA BUKAS

Sana bukas maganda ang gising ko
Sana bukas masarap ang ulam ko
Sana bukas malinis ang paligid ko
Sana bukas walang nakaupo sa pc#5 sa Fluffy
Sana bukas wlang riot sa highway
Sana bukas wala si lumpo at bukol
Sana bukas wala ng tsismosa sa amin
Sana bukas wala na si JR sa Naglagos street
Sana bukas umuwi na si Deliah sa Amerika at wag ng bumalik
Sana bukas ibalik na ang Naruto Shuppuden
Sana bukas alisin ang katakot-takot na tax sa Marikina City
Sana bukas magpagupit na si Treb
Sana bukas hindi na tumulo ang laway ni Nalde
Sana bukas hindi maging bading si Jaypee
Sana bukas hindi na mangalkal ng bayag si Manny
Sana bukas matino nang kausap si Larry
Sana bukas hindi muna mag-asawa si Elden
Sana bukas hindi na madagdagan ang anak ni Joey
Sana bukas hindi na mamakla si JB
Sana bukas hindi mahawa ng kabaklaan si Larry Dota kay Larry
Sana bukas magplastic gloves si taba kapag nagluluto ng burger
Sana bukas 4 na piraso na ang 20 pesos turon sa burgos
Sana bukas naglalakihang billboard sa EDSA
Sana bukas wala ng barumbadong driver sa kalsada
Sana bukas buo na ang pamilya ko
Sana bukas magmura ang mga bilihin
Sana bukas wala ng JUETENG sa Marikina City
Sana bukas wala ng mga Underground Immorality
Sana bukas kainuman ko pa rin mga kabatchmates ko sa SEHS
Sana bukas pag-ibig na lang
Sana bukas hindi na ako introvert
Sana bukas kasing katawan ko si Jericho Rosales na fit
Sana bukas ang imposible ay maging posible
Sana bukas maging malinis na ang ilog Pasig
Sana bukas mayaman na ako
Sana bukas masaya ka na sa buhay mo
Sana bukas magcover na si Angel Rivero sa FHM mag
Sana bukas action star na ako
Sana bukas long hair na si Boy Abunda
Sana bukas wala ng Pork Barrel ang mga Congressmen
Sana bukas wala ng Political Dynasty sa Pinas
Sana bukas wala na akong makikita na mukha ng mga politko sa kalsada
Sana bukas wala ng street children sa kalye
Sana bukas tabasin ang ngipin ni Gloria Macapagal Arroyo
Sana bukas makulong si "Hello Garci"
Sana bukas makulong si FG Arroyo kasama si Abalos
Sana bukas wala na tayong issue sa World Bank
Sana bukas hindi na replay ang Mr. Bean Cartoon
Sana bukas wala na giyera sa Mindanao
Sana bukas palayain na ang mga bihag ng Abu Sayyaf
Sana bukas laban ni Pacquia
Sana bukas wala ng kotong cops
Sana bukas tanggalin ang oil deregulation
Sana bukas hindi na korni si Willie Revillame
Sana bukas alisin ang expiracy date sa regular load
Sana bukas libre na ang text
Sana bukas ibigay ang para sa mga magsasaka
Sana bukas ibigay ang para sa mga war veteran
Sana bukas itaas ang sahod ng mga teachers
Sana bukas ng iaabort na fetus
Sana magising pa ako bukas
Sana bukas wla ng corrupt sa Gobyernong Arroyo at higit sa lahat
Sana bukas wala na si GMA sa pwesto niya... hay salamat..

Wednesday, March 11, 2009

NASAAN NA ANG MGA BATA?


Napansin ko lang wala na yatang naglalaro sa mga kalsada ng mga larong pambata. Katulad ng tumbang preso, habulan taya, agawan base, patintero, langit lupa, jolens, taguan, sipa, teks, trumpo, pellet gun at iba pa. Halos lahat yata ito nalaro ko na. Kahit paminsan-minsan sumasabog ang nguso at nasusugatan enjoy pa rin laruin ang mga laro na ito. Masaya rin kapag may nag-aaway. Suntukan lang ng mga bata kasama din yon sa laro eh hehe. Pinakagusto naman sa lahat ng laro ay ang bahay-bahayan =). Larry Marcelo natatandaan mo ba si Darling?! diba ikaw ang anak namin bakit ganon ang anak?! hahaha'. Pero sa totoo lang nakakamiss talaga ang mga laro na yan. Kahit yung mga panlarong pambabae nalaro ko rin yan eh kagaya ng 10 20, chinese garter, jackstone, at mga dolls hehehe kasi ba naman pagpupunta ako don puro mga babaeng bata nandoon eh wala na akong makalaro kaya ayon nakikisali na lang ako. Hindi ako bakla no! haler! =). Ang pinakahindi ko naman makakalimutan ay yung taguan _ _ _ _ _. hehe! taguan tlga siya kaso may twist sa laro hehe.. magtatago kami sa madilim na sulok tas may dala kming _ _ _ _ _ _ _. Ang kailangan lang para hindi ka maboom or mataya ay magkaroon ng _ _ _ _ _ yung _ L_ _ _ _ _. Pinakapaboritong spot namin don sa ilalim ng karo siguro mga kinse kaming nagtatago don hahaha! Bahala na kayong magisip kung ano un hehehe. Sana nga lang maibalik yong mga laro dati kasi tlga namang masaya at nakakaenhance pa sa paglaki ng isang bata hindi yung lagi na lang sa computer nakaharap. =)

Thursday, March 5, 2009

(SEHS BATCH02)

guys eto yung place ng pagsuswimmingan natin..
copy and paste nyo lang tong url na nsa baba..
http://annarlegal.multiply.com/photos/album/37/calambalaguna#

Monday, March 2, 2009

ANG ALUMNI HOMECOMING AT SI DENNISE PABUA

1st General Alumni Homecoming Sta. Elena High School March 1, 2009
Pagdating ko kina Ardieson dela Paz ay si Roberto Andres pa lang ang nandoon. Ang akala ko ay marami na sila doon. Lumipas ang ilang minuto dumating na rin sina Mark Arvin Santos, Jay Arcilla at Michael Marcelino. Hinintay muna naming magbihis si Ardieson bago kami umalis. Nang matapos siyang magbihis ay kaagad na kaming umalis dahil 2pm na magsisimula na ang parada. Nang papalapit na kami sa Sta. Elena High School ay nakasalubong namin si Arbie Bobis na ubod ng ingay akala mo nasa kabilang baryo ang kausap kung magsalita. Tumambay muna kami sa PNB na tapat lang ng skul dahil hindi pa pala nagsisimula. Nandoon din pla sila Dennise Pabua, Lendlyn Nazal at Amelita Cordovilla. Kokonti pa lang ang nasa loob dahil yung iba na sa Tambay kay Lim na pla. Dumating si Francisco Mallari na kinantahan ni Arbie Bobis ng, "NASASABIK SA UNANG ARAW NG ESKWELA." Heheh nakaeksena niya kasi si Gerald Anderson sa pelikulang FIRST DAY HIGH. Sunod na dumating ay si Jake Manalo pinagsamang Jake Cuenca at Jay Manalo ang kagwapuhan, si Joseph Buton. Inasar naman nila itong si Congressman dahil sa porma hehehe. Hindi na kami sumama sa parada at nagparegister na lang kami at pagkatapos magparegister ay bumalik kami sa PNB para tumambay muna habang nagaabang pa ng mga kabatch na dadating. May mga dumating nga ito ay sila Maribelle Demayo, Cindy Semilla, Grace Nicdao, Ryan Josef at iba pa. Hanep sa porma si Ryan Josef purple na purple. Pagdating ng nagparada ay pumasok na kami at pumuwesto sa likod malapit sa Registrar. Pero bago magsimula ang program ay kumuha ng tigpipitong representante bawat batch para sa magaganap na eleksyon ng officers ng alumni. Ang nakuha sa amin sy sina Joseph Buton, Michael Marcelino, Grace Nicdao, Mark Aruta, Mark Arvin Santos, Amelita Cordovilla at Ryan Capangpangan. Sa loob ng conference room kung saan magaganap ang botohan may isang taong nakakabadtrip. Akala mo nakakatawa siya, feeling bossy. Parang gusto na ngang upakan ni Michael Marcelino. Nagpakilala kami isa-isa. Ang ginawa namin para may manalo ay sinulat lang namin ang 3 pangalan, pareparehas kami. Pagkatapos ay iniwan nila ako para magbantay pero hindi na ako ngbantay nsa koridor lang ako. Nagtxt ako sa kanila na, "Grace panalo ka!" umakyat siya hehe akala niya totoo. Tinignan namin ang bilingan sa loob, nagunguna yung may malaking tiyan hehehe. Pagbaba namin ay nandoon na si Joycelyn Cortez na hot na hot parin lalo na sa kanyang redlips hehe. Pinalibutan nila Arbie at Yopip si Joyce. Lumapit ako at sabay apir kay Joyce malambot parin ang kamay parang wlang anak hehe. ito namang dalawa ay pinapaalis ako ayaw yatang makisawsaw pa ako kaya umalis na lang ako hehehe. Bumalik ako sa original kong pwesto at naituro ni Mark Arvin ang kapatid ni Jaja na ang ganda. Nasabi ko tuloy, "KAPATID NI JAJA YON!?" (PEACE JAJA hehehe) Siguro kung magpapasexy lang si Jaja magiging kagaya siya ng ate niya hehehe. Marami pang humabol na kabatch namin Anna Legal, Gloria Budomo, Michelle Orel, Antonia Serrano, Jerry Gurrobat at iba pa. Yung iba kasi hindi ko matandaan ang pangalan. Nagpresentation na bawat batch kami lang siguro ang wlang number don dapat kasi sasayaw kami ni Arbie eh ang kaso wala namang music ni Rain na Im Coming. Yung Batch 2001 meron at hango pa sa High School Musical ang sayaw nila. Nagulat ako sa isang mc don akala ko babae yon pala ay badaf pero ang ganda niyang bading. Naloko niya talaga ako. Lumabas muna ako dahil medyo naboboring ako wala kasi ang inaasahan kong pupunta si Ms. Meow sa ibang batch siya. Nagpromise pa naman siya sa akin na pupunta pero ok lang dahil katxt ko siya ng mga oras na iyon. Kasama ko si Manny lumabas para tignan ang mga sapatos na pang skateboard mura lang daw. Pagbalik namin ni Manny ay nagtxt si Michael na kakain na daw kaya agad na kaming bumalik sa school. Wala na kaming naabutan na foods kaya naghintay kami may darating pa naman daw na foods. Lumipas pa ang mga oras may mga nagiinuman na. Lumabas kami nila Ryan Josef, Abegail Aturtido, Francisco Mallari, Jay Arcilla, Arbie Bobis at Michael Marcelino para bumili ng beer. Ang kaso wla kaming makita at hindi pala pwede ung bottle dapat in can. Ang balak tlga namin pagkatpos ng Alumni ay magMemeyoks kami pero biglang nawala si Ryan siguro may nakitang papa. Inindian na naman kami ni Ryan amf! hehe. May mga guest na pumunta katulad nila Sir Habijan, Vice-Mayor Marion Andres, Congressman del De Guzman at iba pa. Nagbigay pugay din sa mga namatay na teachers ng Sta. Elena High School katulad nila Sir Cammayo at Sir Nicomedez. Nagbigay din sila ng mga awards kagaya ni Mang Mario na loyal na guard sa school. Binanggit din nila ang mga new officers ng Alumni pasok kami nila Grace Nicdao at Ryan Capangpangan. Habang nagaganap ang mga aktibidades inasikaso na muna namin ang binabalak ni boss Pabua. Pumunta kami sa dj para ibigay ang cd na patutugtugin habang nsa stage siya at inayos ang bulaklak. Ito ay para sa kanyang minamahal na si Lendlyn Nazal na bumalik na sa kanyang piling. Si Sir Cena ang nagtapos ng programa muntikan pang hindi matuloy dahil pinagdisco na lahat ng mga nandoon buti na lang at sumingit ang dalawang mc at tinawag na nga si Pabua. Nagsigawan ang lahat ng tao doon. Umakyat si Dennise Pabua at kinuha ang microphone at nagsalita habang tumutugtog ang THE PAST ni Jed Madela. Puro tili ang maririnig mo kung nandoon ka. Ang mga babae naman ay kinikilig. Binigay ni Michael ang bulaklak na rosas na puti. Pinaakyat naman nila si Lendlyn at doon bumuhos ang pagmamahal na Pabua. Binulalas na niya lahat kung bakit niya ginawa iyon. Gusto niya kasing magkabalikan sila at nagkaiyakan sila. Mga mga tao din na napaluha sa ginawa ni Pabua. Hindi makasagot si Lendlyn mejo matagal din sila sa stage. Nang bumaba sila sa stage ay mejo naluluha si Pabua. Nilapitan ko si Pabua at kinausap sabi ko, "ok lang yan." Pag-atras ko ng konti ay nabangga ko si Criselda Nicolas parang badtrip nagsorry naman ako hehehe. Nakita ko silang umalis ni Lendlyn at hinabol ni Pabua. Pagkatpos non ay nagtxt siya na itxt na lang siya kung saan magiinuman. Dyan na nagsimula ang party at nagpicturan kami sa ibabaw ng stage ng mga kabatch namin (2002). Pagkatpos ng Alumni ay dumiretso kami kila Yopip. Don kami nagsession kasama sina Jerry Gurrobat, Antonia Serrano, Michelle Orel, Gloria Budomo, Grace Nicdao, Anna Legal, Cindy Semilla, Maribelle Demayo, Amelita Cordovilla, Arbie Bobis, Mark Arvin Santos, Ardieson dela Paz, Dennise Pabua, Roberto Andres at Mark Aruta. Hindi na nksama si Jake Manalo dahil pinauwi na siya ng gf niya. - end -