Friday, April 18, 2008

Si Ms. LRT

Si Miss Lrt ay lagi ko na lang nakakasabay sa Legarda station. Wala lang napaisip lang ako kasi kahit na sa Recto station ako sumakay at bagalan ko pa sa paglalakad eh lagi ko na lang syang nakikita. Minsan nga ay hinintay kong magalast trip ay nakakasabay ko parin sya, nakakailang na talaga dahil 2 weeks ko na rin syang nakakasabay. Minsan nga ay napupuna ko na siya na parang tumitingin skin siguro iniisip nun na sinusundan ko sya. Malamang din ay buwisit na buwisit na sya sa mukha ko kapag nakikita nya ako sa LRT Legarda station hahaha'. Tapos iisang station lang binababaan namin sa Katipunan Station, kaya nga pagbaba na sa kabilang hagdanan ako umaakyat hehehe at malupit pa nito ay parehas pa kaming Calumpang nyahahaha' eto pa taga NTC rin sya ^^...