Friday, November 6, 2015

RESPETO sana!

Ako ay isang simpleng tao na may mataas na respeto. Lalo na kung mas matanda sa akin lalo na sa mga superior ko. Hindi ko alam kung bakit ako na lng ang lagi mong nakikita sa tuwing papasok ako. Siguro talagang ginagalang lang kita kaya kahit anu-anu ang pinagsasabi mo tungkol sa akin hindi ko magawang gumanti ng masasakit na salita. Ang taas kasi ng respeto ko sa iyo eh. Alam ko naman na madalas akong magkamali pero sana alam mo kung paano umasta dahil parehas tayong professional kahit na mas mataas ang sahod mo sa akin parehas pa rin tayong nakatapak sa lupa. IKAW alam mo na kung sino ka sana maging patas ka sa lahat mapababae o lalake. Ang sabi mo "Kailan ba tumama ang Akala?" ikaw ngaw eh naniniwala sa mga sabi-sabi. Hindi ka naman nakakasiguro kung tama o mali ang nakalap mong impormasyong tungkol sa akin. At sana ginalang mo din ang pagkatao ko para akong bata na pinagsasabihan sa harap ng ibang tao. Hindi ko pinipilit ang gusto ko kagaya ng sinabi ko kung ano lang ang sinabi sa akin iyon lang ang ginagawa ko ganon pa man salamat sa lahat. Buti na lang hindi natutulog ang diyos alam niya kung papaano gagawan ng paraan ang lahat. May tamang panahon at oras sa lahat ng bagay. Ipagdadasal ko na lang kayo.. God is good all the time!