Saturday, January 1, 2011

First morning of 2011

Jan 1, 2011 isang umagang kay tahimik pagkatapos ng maingay na pagsalubong sa bagong taon. Napakalamig ng simoy ng hangin dahil sa hamog ang aking napansin. Maliban dito ang mga usok pang natira dahil sa paputok. Tila ba akoy nasa larong "SILENT HILL"kulang na lang ay mga kakaibang nilalalang. Akoy nag-ikot sa bayan ng Marikina at napansin kong kakaunti ang mga tao sa labas marahil mga pagod dahil sa kanilang pagsalubong sa bagong taon kagabi. Ako rin naman ay napuyat pero hindi naman ganoong napagod dahil nasa loob lang naman ako ng bahay. Tamang nagpapatugtog ng malakas ang aking ginawa kagabi. Hindi na kasi ako tulad ng dati na pagsasalubong sa bagong taon ay nagpapaputok talaga ako. Nariyan ang bumibili ako ng mga malalakas na paputok katulad ng bawang, pla-pla, OG, super lolo at kung anu-ano pa. Hindi na ngayon dahil muntikan na akong masabugan ng PLA-PLA sa kamay at naapektuhan ang aking pandinig. Ngunit kahit ganoon ay masaya ko namang naipagdiwang ang bagong taon. Naghanda kami ni nanay ng biko, spag, softdrinks, halaya, puto, bb-q at mga prutas. Ang masasabi ko sa karanasan ko noong 2010 ay pinagsamang maganda at pangit. Maganda dahil sa mga biyayang binigay ni GOD sa amin at pangit naman dahil sa mga bagay na hindi ko pinaghandaan ang mga sitwasyon na nangyari kaya nagkaganoon. Ngayong 2011 ay magsisimula ako ng pagbabago sa aking sarili. Gagamitin ko ang mga karanasan ko masaya o pangit para mas maging matibay akong nilalang. Umaasa din akong magagawa ko ito sa tulong ng maykapal. =)