
Hay! Ang babae nga naman =). Maraming papel sa buhay ng mga kalalakihan ang mga kababaihan. Sila ang nagbibigay lakas at kalagiyahan sa mga kalalakihan. Kahit paminsan-minsan ay hindi mo maintindihan ang kanilang mga desisyon. Akala mo oo na iyon pla hindi pa. Akala mo ayos na iyon pla hindi pa. Marami na rin silang kayang gawin na ginagawa ng mga lalake. Ang babae nga naman. Ang mga kababaihan din ang nagsisilbing ilaw sa isang tahanan. Sa isang pamilya mas maraming ginagampanan ang mga kababaihan. Kapag wala si tatay sa bahay ang mga nanay natin ang naiiwan sa tahanan. Kaya naman sila ang nag-aalaga sa kanilang mga anak. Sila ang namamalengke at nagluluto sa bahay. Sila din ang naglilinis, naglalaba ng mga damit at kung anu-ano pa. Si Nanay din ang naging una nating guro kung saan tinuturuan tayo ng mga mabubuting asal at para maging kapakipakinabang tayong nilalang. Bukod naman kay nanay naan diyan sila ite, ate, tita, lola, classmate na babae, kaibigan nating babae, kapit bahay nating babae, katrabaho nating babae, tinderang babae, driver na babae, katextmate nating babae, dancer na babae, katulong na babae, police na babae, mayor na babae, babae na puso lalake, babaeng matador at marami pang iba na dapat din nating mahalin at irespeto. At ang pinakmahalagang papel ng mga kabababaihan sa atin ay sila ang nagluluwal ng sanggol na pinakmahirap gawin. Siyam na buwan nilang dinadala ang sanggol sa kanilang sinapupunan at bukod pa diyan ay nasa kabilang hukay ang kanilang paa sa tuwing silay nanganganak. Ano kaya kung ang mga lalake naman ang manganak para marealize namin kung gaano tlga kahirap manganak.
(Hehehe pangit tignan yata non?! haha') Kaya naman dapat nating mahalin at respetohin ang mga kababaihan na ating nakakasalamuha. Itigil ang domestic violence sa mga kababaihan, ok lang siguro kung ang mga lalake ang nagugulpi ng mga babae hehe. Itigil din sana ang paggamit sa mga kababaihan bilang instrumento ng kalaswaan. Sa mga kababaihan naman para hindi gawin sa inyo yan umayos kayo! diba?! =). Kaya naman sa nanay ko na hindi ko masabihan ng ganito kaya dito ko na lang gagawin. "I love you Nanay Ayie" hehehe.. Pasensya na kayo hindi kasi ako expressive na tao. hehehe..
Mabuhay lahat ng mga kababaihan sa buong mundo..
No comments:
Post a Comment