Thursday, October 30, 2008
Tuesday, October 21, 2008
INDIE-SIKAT STORY
sa panulat ni Mark Aruta.
Isaang araw ay nasa hapagkainan ang mag-anak ni Mercidita. Habang nasa lamesa ang mag-anak nito ay kinuha ni Mercidita ang kanilang hapunan. Tinanong si Mercidita ng kanyang ama.
Lolo: Mercidita ano bang niluto mo?
Mercidita: Canton toppings po tay.
Lolo: Ano kamo may winner?
Lolo: magsashopping tayo?
Dahil sa hindi maintindihan ng matanda at nagugutom na rin ito ay kumain na lang ito. Habang ngumunguya ang matanda ay nasarapan ito. Nagsalita rin itong matanda at biglang salita ng.
Lolo: Ang sarap mo talagang magluto (habang puno ang bibig ng pagkain)
Mercidita: Ano po iyon?
Lolo: Kako! ang sarap mo talgang magluto.. (pabulong) ay bingi..
Mercidita: (pabulong din) tang ina nyo tay...
Eh ang hindi alam ni Mercidita ay narinig ito ng kanyang Tatay.
Lolo: TANG INA MO RIN!
just for laugh!
Sa Aking Pananaw.....
2. Ang pagtitiwala ay parang alambre na kapag nabaluktot ay di na maibabalik pa.
3. Kahit anong basa ng kahoy masusunog at masusunog pa rin ito.
4. Ang langis kahit anong halo hindi pa rin magsasama.
5. Hindi lahat ng nutrition fact ay totoo.
6. Hindi lahat ng ginagawa ng matatanda ay ginagaya ng bata.
7. Hindi totoo na practice makes you perfect dahil nobody is perfect.
8. Kahit anong takip mo sa kumukulong tubig. Lalabas at lalabas pa rin ang usok nito.
9. Ang katotohanan kapag tinago ay masarap pero kapag ito'y binulgar ay masakit.
10. Hindi lahat ng dugo ay galing sa sugat.
11. Hindi lahat ng may boobs ay babae.
12. Hindi lahat ng importante ay mahalaga.
Tuesday, October 14, 2008
TAGUMPAY!! bakit? basahin mo! ^_^


Una kong tinext ay si Pogi para magpatulong sa pagbitbit ng mga gamit at pagkain namin. Pagdating namin sa Tambay kay Lim ay wala pang dumadating buti na lang ay biglang dumating si Reymond Red. Pinaiwan muna namin sa kanya ang aming gamit at tinext ko si Robert Breboneria para magpatulong sa sound system na gagamitin namin. Doon na kami nagkita sa bahay nila Larry Marcelo at Bryan Tiamzon dahil yung gagamitin na sound system ay kay Larry at magkalapit lang sila ni Bryan. Tamang-tama lang ang pag


Pagdating sa Flamingoes ay pumili muna kami ni Ronnie ng cottage na malaki. Yung napili niya ay hindi ko nagustuhan dahil nasa sulok ito at parang ang lungkot. Yung napili ko naman ay yung pavillion d na medyo malaki kaya ang isang 60 katao. Akala namin ay 2400 iyon yun pala pagkasama ang videoke, 1800 lang paghindi kasama. Tapat nug cottage ay yung mababaw lang na pool na gusto ko rin ^_^. Pagkabayad namin sa cottage ay sunod na naming binayaran ay ang kanilang entrance. Pagpasok namin ay agad naming inayos ang lamesa ng pahaba para mas magandang tignan at magkita-kita lahat. Nagulat ako sa dami ng tao sa Flamingoes dati naman noong nagswimming kami ay kami lang ang tao. Pinaasikaso ko na agad ang aming pagkain kina Gerry Gurrobat, Antonia Serrano, Gloria Budomo at Reymond Red. Makalipas pa ang ilang minuto ay nagsimula na ring magdatingan ang iba pa naming mga kabatch. Sina Angeline Cristobal, Janica Santiago at Solei Santo





WRONG TIMING NAMAN KASI !!!!!
Isaang araw bago ang reunion ilan sa mga kabatch ko ang pumunta sa ST4. Ano ba tong ST4 na ito? Ito lang naman ay isang lugar na Paraiso ni Eba at napapaligiran ng mga anghel sa dilim. Ang mga ito ay sina tree, troublemaker, vision, secretary at si kiss master. Inakala ko kasi noong una ay iinom lang sila sa bahay iyon pala ay pupunta sila doon. Nakita nila si Jake Manalo ang pinagsamang kagwapuhan nina Jake Quenca at Jay Manalo. Ito ay si Joseph Buton. Nakita nila ito doon si Jake Manalo dahil doon ito nagtatrabaho bilang door man. Ang pagkakakwento sa akin ay ganito. Pagkatapos namin magmeeting noong friday Oct. 10, 2008 niyaya nila ako na uminom pero hindi ako sumama. Pagkatapos naming maghiwa-hiwalay ay tinext nila si secretary tinanong nila kung gusto niyang makakita ng Taboo. Dahil sa game itong si secretary ay sumama naman ito. Pumunta na nga sila sa ST4 na malapit lang sa Sta. Lucia East Grand Mall. Dahil nga sa first time ni secretary makakakita ng ganoon ang akala niya masisiyahan siya ngunit dismayado siya sa nakita niya. Nasabi na lang niya ay ganito, "Iyon na ba iyon?"
Para maiba naman ang scenario ay "PUMITAS SILA NG MANSANAS AT INILAGAY SA TABLE." Ang una daw tumikim sa mansanas ay itong si kiss master. Kakaiba daw siyang tumikim para daw umiinom ng softdrinks na walang straw. Nakakapanghinayan na hindi ako nakasama pero ok lang. ^_^
Tuesday, October 7, 2008
ANG KAPE!
Monday, October 6, 2008
MEETING DE INUMAN ^_^
Oct. 4, 2008 naganap na nga ang General Meeting para pag-usapan ang mga dadalhin at mga dapat gawin sa araw ng reunion. Unang nagtext sa akin ay si Michael Marcelino sabi niya na nasa Tambay kay Lim na siya mga alas kwatro y media non. Nagulat ako kasi ang aga niya lagi kasing late din iyon sa usapan. Pagdating ko sa Tamabay kay Lim ay silang dalawa ni Mark Cris Mosuela ang nadatnan ko pero maaga ding umalis si Mark Cris may praktis yta sila ng kanyang kagrupo. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Janica Santiago kasunod nito si Edlene Reyes at Amelita Cordovilla. Maya-maya pa ay dumating na sina Michael Aguilar, Mark Arvin Santos, Mark Angelo Malolos, Angeline Cristobal, Larry Marcelo, Analisa Legal, Dennise Pabua, Jay Arcilla, Dennise Ramos, Cristy Ann Jota, Robert Breboneria, Janley Tañola, Roberto Andres at Jan Amper.