December 29, 2008 2:oo pm
Alas dos ng hapon nang akoy ginising ng aking nanay sa aking higaan. "Mac pst! hoy! si ate Norie hinahanap ka", sabi ng aking ina sabay kahol ng aking aso. Nasa kusina pla siya hinihintay ako. Sinabi sa akin na kung pwede
ba raw akong magdonate at maghanap pa ako ng makakasama. Kailangan daw kasi ng dugo para makalabas na si Aling Letty sa Amang Rodriguez Hospital. Wala naman akong makasama noon dahil lahat ng mga kakilala ko ay mga uminom kagabi pero ang totoo nakainom din ako ng gabi =) konti lang nmn. Sayang nga at wala si Elden dahil marami ring dugo yon samantalang si Nalde naman ay takot sa dugo. Hindi naman pwede si Treb at Larry =). Yung mga kabatch ko nmn anemic tas hindi pwede =). Nagbihis muna ako bago umalis sa bahay at tumae na rin baka kasi matae pa ako sa hospital. Pakiramdam ko sa loob ng ospital ay parang magkakasakit din ako kahit wla naman akong nararamdam. Unang sumalang sa loob ng blood bank ay si Happy at ako naman pagkatapos niya buti na lang at kokonti lang tao ayoko pa naman nang nakapila. Pagpasok ko sa loob ay pina fill up-an lang ang form pagkatapos non ay nagpaBP kami ni puto. 110/70 ako mejo mababa hehehe.. puyat kasi ako at paputol-putol pa ang tulog =). Ako ang unang sinalang ng nurse, hinawakan niya ang isa kong daliri at medyo natawa ako kasi yung kaliwa kong kamay ang pinanghugas ko ng pwet hahaha. Palagay ko nagoOJT siya dahil mejo mabagal siya. Pinunasan niya ng alkohol at sabay tusok pumilandit ang dugo, magaling ang nurse kasi wala man lang kasi akong naramdaman. Nang nacheck na ng kasama niyang bading ang dugo ko sinabi niya na O+ ako at pwede daw akong magdonate. Samanatalang si Happy ay hindi pwede ang pagkakarinig ko ay mababa ang blood count hindi ko sure kung iyon talaga yon basta yon na iyon =). Kaya umalis na lang si Happy sa kwarto. Pagkahiga ko agad na tinusok ng nurse dumaloy naman iyon kaso nagkaroon ng blood cloth kaya bumara. Tinawag ng nurse ang head nila at tinignan. Nilipat niya sa kabila at swabeng dumaloy, ang sarap pagmasdan na dumadaloy ang dugo papauntang bag =). Kaya nga habang nagkoclose open ang mga kamay ko ay tinititigan ko ang dugo ko papaunta sa bag na parang lalagyan ng ZEST-O. Pagkatapos kong magdonate ay sandaling humiga dahil sabi ng nurse na wag munang tatayo agad. Lumipas ang ilang minuto ay naiinip na ako kaya nagsalita na ako na. "Miss pwede na bang tumayo?" . Sabi niya, "ah cge po kuya" . Sa wakas at natapos din wala man lang akong naramdaman.

Mensahe: sa mga nagtatanong kung may bayad? WALA PO! (JOEL AT NALDE)