Saturday, August 16, 2008

SILENT WAR

Isang hapon ay may nagtxt sken, niyaya niya akong maginuman sa isang kaibigan. Maya maya pa ay may ngtxt din skin na isang dating kaeskwela. Noong una ay wala talaga akong balak makipaginuman at dahil wala rin naman akong pera at 2 magkasunod na araw na akong umiinom ng alak. Nangako na kasi ako sa aking sarili na hindi na muna ako iinom ng 2 or 5 beses sa isang buwan. Pero hindi na ako naktangi dahil marami ng nagtxt sken kaya naman pumayag na ako at sabi nila ay may chx daw na kasama. Noong una ang napagusapan ay kina M(eye) kami iinom ngunit hindi pupwede dahil maliit ang pwesto nila kaya naghanap ako ng mapupwestuhan. Naisip ko na birthday nga pla ni L(pa-girl) kay nagpasama ako kay Payat(ulam), pumayag naman itong si L(pa-girl).
Nung nagkita-kita ay nagkailangan muna pero ng nagtagal ay ngkakwentuhan na. Grabe ang tagal naming naghintay sa labas ng bahay nila L(pa-girl) siguro mga 2 oras yon. Dumating na nga si L(pa-girl) at sinimulan na namin ang inuman dahil nga na bka kulangin kami sa iinumin ay niyaya namin itong si Business Girl na may Parlor ay nagpalibre kami at niyaya na rin naming uminom. Sinundo namin ni L(pa-girl) itong si Business Girl na may parlor sa kanto nila Afroman. Nung nasundo na namin itong may ari ng Parlor bumili na agad kami ng 2 seven liter, juice at pulutan. Palakpakan ang mga ungas dahil dunmating na itong may Ari ng Parlor.
Hindi ko napansin na nagkasya kaming 12 katao sa maliit na kwarto, siguro nga ay pinagtyagaan na lang dahil hayok na hayok sa ALAK ang mga ungasss. Noong una ay nagkakasiyahan, tawa ng tawa at walang humpay na tawanan. Lalo pang lumakas ang ingay dahil sa may dumating na isang POK POK na Lalaki dahil ang mga anak niya ay iba iba ang ina.
Makalipas ang ilang oras ay kanya kanya na ng pwesto ang mga loko. Yung may Ari ng Parlor sa Antipolo ay nakahawak na sa hita ng isang payat(ulam), si Pacquiao at Afroman ay dinidiskartihan si Pulot Pukyutan, si M(eye) dumidiskarte kay DN, at sila OToT, Manager, JOe, L(pa-girl) at ako ay tamang tawa lang.
Ngunit sa masayang kaganapang iyon ay may naktagong hidwaan sa dalawang lalaki. Ang akala ko ay magiging masaya ang katapusan ng aming inuman ngunit ng nalaman kong nakakaroon ng hidwaan ay agad ko ng pinauwi ang 2 babae para lang masalba ang pagkakaibigan. Nagtaka tuloy ang lahat kaya inintay ko munang maubos ang iniinom namin at tsaka ako bumuwelo para yayain ko ng umuwi ang mga ungass. tnxt ko si payat(ulam) na mauna na silang umuwi at itxt ako kung san sila pupunta dahil bitin pa taalaga ako sa ininom ko. Nang sa labas na ay hindi nako sumama sa paghatid sa dalwang babae dahil ayoko ng makisawsaw at para maipakita ko na wala akong kinakampihan. Sumunod sa akin si OtOt at Afroman, ang balak ko talaaga ay tumakas sa kanila para sumama kina may Ari ng Parlor. Nagtxt sila sabi "sunduin ka namin." Nagreply naman ako ngunit sabi ko ay hintayin ang txt ko dahil nakasunod pa sila 0T0T at Afroman. HIndi na sila siguro nkpghintay sa akin. Ang akala ko tlga ay Hinahada na si payat(ulam) at Lalaking POkPok ni Parlor kasi naman hindi na nagreply ang mga ungas. Kayat umuwi nako sa pamamagitan ng tricycle dahil ang layo ng Calumpang sa Sto. Niño. Kaya naman hindi ko na alam ang sumunod na nagyari (KUNO).

No comments: