Nairaos na nga ang aming
REUNION. Naging maayos naman ito at kahit nagkaroon ng konting problema ay sa kabuuan ay naging masaya ito. Ang

hirap talagang mag-organisa ng ganitong event nakakabadtrip pero masaya. Nakakabadtrip kasi yung iba nagsabi na, "Oo nga sure ako." Tapos sa bandang huli ay hindi pala sasama. May mga nagpalusot na may period sila, ok naman diba kahit hindi sila lumusong sa swimming pool? Yung iba naman pagod daw at walang tulog, ako nga sa totoo lang hindi talaga ako naakatulog sa kakaisip kasi ako nag-asikaso sa aming kakainin. Yung iba naman hindi na nagparamdam sila pa naman yung inaasahan ko na darating. Yung iba talagang valid yung reason kasi first day ng work nila, walang pera, ayaw payagan ng asawa

, walang mag-aalaga sa baby nila at marami pang iba. Pero wala naman akong sama ng loob sa mga hindi sumama dahil, "bakit ko pipilitin ang ayaw?" at yung mga hindi ko inaasahang pupunta sila pa yung dumating.
Una kong tinext ay si Pogi para magpatulong sa pagbitbit ng mga gamit at pagkain namin. Pagdating namin sa Tambay kay Lim ay wala pang dumadating buti na lang ay biglang dumating si
Reymond Red. Pinaiwan muna namin sa kanya ang aming gamit at tinext ko si
Robert Breboneria para magpatulong sa sound system na gagamitin namin. Doon na kami nagkita sa bahay nila
Larry Marcelo at Bryan Tiamzon dahil yung gagamitin na sound system ay kay Larry at magkalapit lang sila ni Bryan. Tamang-tama lang ang pag

dating ko kina Larry at Bryan dahil nandoon na rin si Robert. Buti na lang din ay nakita naming nagbabasta na itong si Bryan dahil sa ang gagamiting ice box ay sa kanya. Habang nagbabasta si Bryan ay pinagising na namin si Larry sa kanyang nanay. Pagkatapos nilang magbasta ay dinala na nain ang mga gamit sa Tambay kay Lim. Pagdating namin doon ay nadatnan namin si Jobert na ayaw nilang isama. Maya-maya pa ay nagsimula nang dumating ang mga kabatch ko kagaya nila Jerry
Gurrobat, Edlene Reyes, Dennise Pabua at Jay Arcilla. Samantalang si
Ace Adigue ay napadaan lang at sumama na rin siya. Si Dennise naman ay umalis para sunduin si Lendlyn. Medyo napaisip ako dahil mukhang kukulangin kami sa pagkai

n kaya naman inutusan ko na sila Robert at Jobert na bumili ng hotdog. Bumili na rin kami ni Pogi ng 2 kilong porkchop at 2 kilong tilapia sinobrahan ko na para kung may mga dadating pa ay meron pa. Pagbalik namin ay dumating na rin sila
Paul Santiago, Aldrin Gozo, Gloria Budomo at Antonia Serrano. Sakto ding dumating na rin ang aming sevice na tropa ni
Ronnie Gonzaga at may kasama pa siyang dalawang kaibigan na Police. Hindi muna kami agad umalis dahil hinihintay pa namin si
Angelito Acasio na always late. Kaya naman pagdating niya sa Tambay kay Lim ay agad na kaming umalis dahil anong oras na iyon alas siyete na ng gabi.
Pagdating sa Flamingoes ay pumili muna kami ni Ronnie ng cottage na malaki. Yung napili niya ay hindi ko nagustuhan dahil nasa sulok ito at parang ang lungkot. Yung napili ko naman ay yung pavillion d na medyo malaki kaya ang isang 60 katao. Akala namin ay 2400 iyon yun pala pagkasama ang videoke, 1800 lang paghindi kasama. Tapat nug cottage ay yung mababaw lang na pool na gusto ko rin ^_^. Pagkabayad namin sa cottage ay sunod na naming binayaran ay ang kanilang entrance. Pagpasok namin ay agad naming inayos ang lamesa ng pahaba para mas magandang tignan at magkita-kita lahat. Nagulat ako sa dami ng tao sa Flamingoes dati naman noong nagswimming kami ay kami lang ang tao. Pinaasikaso ko na agad ang aming pagkain kina Gerry Gurrobat, Antonia Serrano, Gloria Budomo at Reymond Red. Makalipas pa ang ilang minuto ay nagsimula na ring magdatingan ang iba pa naming mga kabatch. Sina
Angeline Cristobal, Janica Santiago at Solei Santo
s, Roberto Andres, Grace Nicdao, Dennise Pabua, Lendlyn Nazal, Michael Aguila, Michael Sta. Ana, Janley Tañola. Michael Marcelino, Rowell Oberes, Mark Angelo Malolos, Albert Villamonte, Christoper Bobis, Arbie Bobis at Renato Reyes. Biglang nagtext sa akin si
Leilanie Austria na nasa simbahan na siya ng Concepcion at sabi nito na sasakay na lang siya ng tricycle papuntang Flamingoes. Ang akala ko talaga ay hindi na siya pupunta. Inabangan ko agad siya sa gate ng Flamingoes para may sumalubong sa kanya. Pagda

ting niya sa ay agad ko siyang nakilala ganon pa rin konti lang nagbago sa sa kanya hehehe pero gumanda siya ng konti. Nung nagtanong siya nakung kasama sina Noel Cartativo at Diona Montalbo ay medyo nalungkot ang mukha nito. Lalo na nung ipakilala ko na siya sa mga kabatch ko na hindi na niya gaanong kilala, mukhang gusto na nga niyang umuwi noon hehehe. Kaya sinabi ko kay Jaja na kausapin muna para hindi maOP buti na lang may mga kabatch ako na babae na medyo naaalala pa niya. Hinayaan ko na siya doon dahil lulutuin pa namin ang kakainin namin. Medyo natagalan kami sa pagluluto dahil kinulang kami sa binili kong uling. Kaya nagpabili na kami kina Paul at Aldrin ng uling, toyo, kamatis, kalamansi at sili. Pero nakalimutan namin magpabili ng bigas buti na lang isa sa mga kabatch namin ay m

ay dalang bigas. Pero kukulangin iyon kaya nagpasama na ako sa labas kay Larry bumili bka sakaling may tinda doon. Nung nasa tindahan na kami ni Larry ay may sumusunod sa aming nakapulang lalake. Alam kong naktunog na itong sa Larry at ako rin kaya naman naghanda na ako binaling ko na ang aking mata sa lalake na iyon. Hindi pa rin ito umaalis kahit binabalingan na namin ng tingin. Kaya naman pagka-abot ng sukli ay nagmadali na kaming naglakad pabalik sa loob ng Flamingoes. Napansin ko na tintitigan kami ng lalake na nakapula. Pasalamat na lang kami at hindi nangyari ang iniisip ko. Kaya nung nasa loob na kami ng resort napaisip ako, bakit kaya kami sinusundan ng lalake? Siguro nababading lang kay Larry Marcelo akala si Vic Sotto. Habang inaasikaso ang mga pagkain ay nagmamasid-masid ako sa aking mga kasama. Mukhang naiinip na sila dahil yung iba nakahiga na, meron naman nakayupyop na sa mesa at yung iba napapamura na sa tagal ng pagkain. May iba naman nagsasabi na ng hindi maganda at para hindi sila mabagot may mga nagpunta sa ibang pool naghahanap ng mga chicks. May iba naman inaliw na lang ang sarili sa tugtog. Napansin ko naman si Leilani na nakikihalubilo na siya inisip ko kasi baka maOP siya buti na lang at hindi dahil ako pa naman nagimbita sa kanya. Pagbalik ko galing sa ihawan ay napansin kong nawala ang mga lalake sa cottage yun pala ay nasa gilid lang malapit sa cr nagtatago sila sa dilim, hindi ko alam kung bakit sila nandoon? Mukhang hindi na nila natagalan pa at mukhang uhaw na uhaw na sila sa alak. Si Toto pala ang bumili ng alak na iyon. Lumipas pa ang ilang minuto ay dumating na nga sina Aldrin at Paul, kaya pala sila natagalan ay sa bayan pa sila bumili dahil sarado na sa Concepcion Market. Kaya naman nang maluluto na lahat ng pagkain namin ay nilinis ko na ang dahon ng saging at inilatag ko ng pahaba sa lamesa. Napansin ko na nananabik na sila sa pagkain hehehe, anong oras na kasi iyon 10:00 na ng gabi huli na para maghapunan ^_^. pagkatapos naming kumain ay lumapit sa akin si Leilanie nagtatanong kung pwede pang lumabas para kunin ang charger ng kanyang digi-cam. Lumapit kami ni Leilanie sa guard ngunit hindi pinayagan dahil alas dose na ng madaling araw hindi na sila nagpapalabas nang ganoong oras. Nagpumilit parin itong si Leilanie, kulitin ko daw para pumayag. Ang sabi ko sa kanya mas maganda kung mga babae ang kumausap, alam mo na? Ang kahinaan ng mga lalake ay mga babae. Hindi nga ako nagkamali at pumayag itong si manong guard ngunit may kapalit magbabayad kami ng 300 para daw sa dalawang taong lalabas. Hindi kami pumayag dahil mukhang pineperahan lang kami ni kumag guard. Kaya humingi kami ng saklolo kay Janica siya ang tinawag namin dahil iba ang karisma nito ^_^. Hindi nga ako nagkamali at natapyas ito sa 100, ibang klase talaga itong si Jaja. Umalis na nga sila ni Michael Sta. Ana at Leilanie Pra kunin ang charger sa Santolan. Pinatago sa akin ni Leilanie ang kanyang digi-cam. Samanatalang ang mga lalake naman ay pinagpatuloy na nila ang kanilang inuman. Pinakamaingay sa amin ay si Arbie Bobis. Habang tumatagl ay lalo kaming umiingay buti na lang ay nasira yung speaker dahil kung hindi ay makakdagdag pa ito at baka pagalitan na kami. Nabad shot na nga kami bago pa mag-inuman dahil sa lakas namin magpatugtog. Mayroon na kasing City ordinance na pin

apatupad ngayon sa Marikina City. Habang nag-iinuman sila ay nakisalamuha muna ako sa mga hindi umiinom na ibang girls at boys sa pool. Napansin ko din yong dalawang pulis ay busy din, hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa maliit na pool. Ayoko naman silang istorbohin baka magalit sa akin hehehe. Maya-maya ay umuwi na si Angeline Cristobal dahil dumating na ang service nito. Sana nagenjoy si Angeline kahit sandali lang siya doon. Lumipas pa ang ilang minuto ay dumating na din sina Michael Sta. Ana at Leilani Austria dala ang charger kaya naman agad na naming sinaksak ang charger para naman hindi masayang ang aming happy moments doon. Pagkatapos macharge ni Leilanie ay agad na kaming nagpicturan. Ngiti dyan, pwesto dito, solo nila, tatluhan, apatan, solo ng mga girls, solo ng mga boys at kung anu-ano pa. Gusto ko kasing mangyari ay parang class picture kaya pinaayos ko sila kay Michael Marcelino. Noong una ay ayaw pang magsikilos nung iba , buti na lang pinilit ni Michael Marcelino at kung hindi pa mumurahin ng pasigaw hehehe. (1,2,3 click!) Bigla silang nagsigawan ng sabay-sabay na ubod ng lakas para bang nanalo sa championship games. Humirit pa sila ng isa at pagkatapos ay nagbasaan ng beer. Malas ni Solei dahil tinamaan siya kaya naligo siya sa

beer. Masayang-masaya ang lahat at yon naman ang gusto kong mangyari. Magkita-kita ang lahat at magsaya. Pagkatapos noon ay nagsipuntahan na sa pool ang mga pasaway, yung iba naman ay shy type pananonood lang. Ang mga maiingay sa pool ay sina Arbie Bobis at Rowell Oberes na nag-aalaskahan tungkol sa kanilang mga anak at kung sino daw ang baog. Siguro kahit nasa dulo ka ng resort ay maririnig mo ang boses ng dalawa. Bigla ba namang may sumigawa na "HAPPY BIRTHDAY ARUTA." Sira ulo talaga tong mga to pati ako ay inalaska. Kung may masayang nangyari ay may kabalintunaan din ito. Muntikan pang may mag-away sina Bryan Tiamzon at Rowell Oberes. Hindi kasi nagustuhan ni Bryab Tiamzon ang biro ni Rowell kay Edlene. Kung ano man ang sinabi ni Rowell ay hindi ko na lang babanggitin. (
tom na lang ulit mga readers ^_^ pakonti konti lang muna dapat.. baka maubos ^_^ )
1 comment:
Very, very creepy. [url=http://www.mulberryhandbagssale.co.uk]mulberry outlet[/url Educational institutions near the city include the University of Notre Dame and St. [url=http://www.goosecoatsale.ca]canada goose chilliwack[/url] Sschiarsm
[url=http://www.pandorajewelryvip.co.uk]pandora bracelet charms[/url] Azflrrulz [url=http://www.officialcanadagooseparkae.com]canada goose jackets[/url] bynhiibtn
Post a Comment