Sunday, November 2, 2008
8 versus 30... WASAK..!!!!
Tae na yan napuruhan ako sa Loyola kahapon ah kasi ba naman pinagtripan ako ng mga ungass. Pero ok lang masaya naman. Ang mas masaya nung palibutan kami ng 30+ katao para gulpihin kami pero parang mga duwag din. Hindi kami binanatan ang dami nila samantalang kokonti lang kami. Ang mga lalake lang kahapon ay sina Angelito, Janley, Michael, Arbie, Larry, Robert, Yopip at ako. Tapos may kasama pa kaming dalawang babae sina Jaja at Kristel. Nagsimula kasi yon nung nagising si Jaja sa ginawa nilang DIABLO na ang laking apoy. Ikanga nila magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising. Nung nagising Jaja ay nilapitan niya ito at pinagsabihan. Mukhang hindi nagustuhan ng mga tambay sa kabila. Ayan na! Pinalibutan na ang mga pader namin at tinitigan kami. Nasabi tuloy ni Angelito kay Michael mag unat unat na hehehe mukhang mapapalaban. Ako rin kinabahan hinanap ko na ung cutter ko at nilapitan ung tasa. Si Janley naman magtatawag sana at si Robert napainom ng tubig. Si Jaja naman palaban talaga siguro kung naging lalake sya suntukan na agad ang mangyayari sa tapang hehehe. Yung iba naman nakikiramdam na rin dahil papalapit na sa amin. Ang iniisip ko naman papano ang kasama naming 2 babae kung magkarambulan na. Pero nung napansin kong wala pang nangyayari napaisip ako, mga duwag to dahil hindi pa kami tinitira kaya ayon tuloy lang ang inuman hehehe.... Ang masasabi ko lang kung natuloy man yon wag silang magpapakita sa palengke hehehe.. ( Ang tapang ko hahaha' joke lang)
Labels:
8 VERSUS 30
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment