Friday, January 2, 2009

Viva! Sto. Niño

January 1 bagong taon at fiesta din sa amin sa Sto. Niño Marikina City. Alas dose na na gtanghali ng ako ay magising. Pagtingin ko sa cellphone ay maraming nagtxt isa na si Michael nagyayang uminom kaso wala kaming pupwestuhan. Pumunta si Happy sa amin at kumain ng konti tas umalis na rin siya. Kaya naligo na lang ako para pumunta sa Fluffy. Pagdating ko doon ay tinext ko agad sila Nalde at Puto para tumambay sa may bigasan kasi may palaro para sa mga bata. Nang dumating kami doon ay patapos na ang palaro. Maya-maya ay dumating na sila Manny at Treb nagyayayang uminom ang kaso wala naman kaming mapupwestuhan pero ang sabi nila ay kela Jonar kami kasi nandyan si Jonar sa tindahan nila. Kaso hindi namin makita si Jonar buti na lang dumaan itong si Noemie na kapatid niya. Lumabas naman itong si Jonar pero ihahatid na niya muna niya ang kanyang gf na kamukha ni Kazumiko Hirai. pagdating ni Jonar ay agad kaming bumili ng dalawang Matador at mga pulutan. Si Happy naman ay umuwi dahil pinauwi ng kanyang ka live-in sa kanila. Pumuwesto kami sa silong nila Jonar at si kuya Joel naman ay nilabas ang kanilang component. Para kaming nasa concert ng e'heads na live dahil nga e heads din ang pinapatugtog din namin. Lumabas muna ako para umihi at pagpasok ko ay nakasabay ko si Ate Noreene na kapatid ni Jon. "Oh kaw pala yan! Kanina pa ko jan di ka namamansin", sabi niya. "Hehe Sorry! Happy New Year", sabi ko naman. Pag-upo ko naman ay dumating naman si Ate Neries binati ako at sabay apir. Sinimulan na namin ang inuman kami lang nila Manny, Jonar, Jeff,Treb at ako. Para naman dumami kami ay tinext ko sila Larry, Joey at Nalde. Dumating naman sila Larry at Nalde pero si Joey ay nalate na dumating siya pero tapos na kami. Nasa Tondo kasi siya ng mga oras na iyon. Naubos na nga namin ang isang Matador. Si Treb ay tumakas. Nung una ay bumalik ito pero nung pangalawang labas nito ay di na bumalik. Gusto ko sanang itext si Michael kaso anong oras na iyon. Sa labas naman ay may mga nagpapaputok pa ng sawa, kwitis at marami pa siguro hindi nila ito napaputok dahil umulan ng bisperas ng bagong taon. Mga ala una na kami natapos.

1 comment:

Anonymous said...

J'ai appris des choses interessantes grace a vous, et vous m'avez aide a resoudre un probleme, merci.

- Daniel