Tuesday, February 10, 2009
KUYA IKAW BA YON?!
Kasama kong pumunta sa Sta. Elena High School ngayong araw na ito si Dennise Pabua. Bago kami umalis ni Pabua ay nagtext si Grace na pupunta din pala sila sa school. Nagkita kami sa harap ng school at kasama niyang dumating si Roberto Andres. Matagal na panahon na din akong hindi nakakapasok sa school na iyon. Kaya nga nakakapanibago parang kumitid ang mga daan siguro dahil lang sa tumaba ako hehe. Nakita namin si Ms. Modesto at Sir. De Guzman nasa 4th floor. Pagpunta namin don nakita ko yong 3 babae na nagrent sa Fluffy kahapon na niloloko nila Nalde at Treb. Ayon! medyo nagkatitigan. Nagkakwentuhan muna sa room at konting kamustahan kasama si Mam. Pagkatapos non ay umuwi na kami pero kaming dalawa ni Pabua ay may pinuntahan pa. Pagkatapos naman non ay umuwi na kami. Samantalang naisipan ko munang pumunta sa Fluffy para mag-open ng fs. Lumipas ang ilang oras ay nakita ko na naman yong 3 babae sa SEHS dumating sa fluffy, mali daw yong napaprint nila kahapon. "ay kuya ikaw ba yon? yung nasa loob ng classroom," sabi nila. Form kasi iyon para sa PUP don kasi nila balak magcollege tas pagnakapasa daw sila magpapakain sila ng Lucky Me na flavor KIKEN.. talap! =)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment