Tuesday, March 24, 2009
HINDI KO NA KAYA TO!!!
Hindi ko na kaya to. Nahihirapan na ako lalo na kapag may ginagawa ako. Iyong mga nagagawa ko dati hindi ko na magawa. Hirap na hirap na talaga ako. Ang hirap maggupit ng kuko sa paa. Alam kong hindi lang ako nakakaramdam ng ganitong pakiramdam. Siguro panahon na upang gawin ko ito. Jaja, Amelita, Grace at tidibear panahon na para magpapayat tayo. Hehehe kailan ba kayo pwede jogging naman tayo hehehe... Kung gusto niyo naman unahan tayo?! Hehehe.. dapat sa swimming payat na hehehe.. xempre dapat may papremyo.. sino magiisponsore jan?! hahaha'
Monday, March 16, 2009
March is Women's Month
Mabuhay lahat ng mga kababaihan sa buong mundo..
Friday, March 13, 2009
SANA BUKAS
Sana bukas masarap ang ulam ko
Sana bukas malinis ang paligid ko
Sana bukas walang nakaupo sa pc#5 sa Fluffy
Sana bukas wlang riot sa highway
Sana bukas wala si lumpo at bukol
Sana bukas wala ng tsismosa sa amin
Sana bukas wala na si JR sa Naglagos street
Sana bukas umuwi na si Deliah sa Amerika at wag ng bumalik
Sana bukas ibalik na ang Naruto Shuppuden
Sana bukas alisin ang katakot-takot na tax sa Marikina City
Sana bukas magpagupit na si Treb
Sana bukas hindi na tumulo ang laway ni Nalde
Sana bukas hindi maging bading si Jaypee
Sana bukas hindi na mangalkal ng bayag si Manny
Sana bukas matino nang kausap si Larry
Sana bukas hindi muna mag-asawa si Elden
Sana bukas hindi na madagdagan ang anak ni Joey
Sana bukas hindi na mamakla si JB
Sana bukas hindi mahawa ng kabaklaan si Larry Dota kay Larry
Sana bukas magplastic gloves si taba kapag nagluluto ng burger
Sana bukas 4 na piraso na ang 20 pesos turon sa burgos
Sana bukas naglalakihang billboard sa EDSA
Sana bukas wala ng barumbadong driver sa kalsada
Sana bukas buo na ang pamilya ko
Sana bukas magmura ang mga bilihin
Sana bukas wala ng JUETENG sa Marikina City
Sana bukas wala ng mga Underground Immorality
Sana bukas kainuman ko pa rin mga kabatchmates ko sa SEHS
Sana bukas pag-ibig na lang
Sana bukas hindi na ako introvert
Sana bukas kasing katawan ko si Jericho Rosales na fit
Sana bukas ang imposible ay maging posible
Sana bukas maging malinis na ang ilog Pasig
Sana bukas mayaman na ako
Sana bukas masaya ka na sa buhay mo
Sana bukas magcover na si Angel Rivero sa FHM mag
Sana bukas action star na ako
Sana bukas long hair na si Boy Abunda
Sana bukas wala ng Pork Barrel ang mga Congressmen
Sana bukas wala ng Political Dynasty sa Pinas
Sana bukas wala na akong makikita na mukha ng mga politko sa kalsada
Sana bukas wala ng street children sa kalye
Sana bukas tabasin ang ngipin ni Gloria Macapagal Arroyo
Sana bukas makulong si "Hello Garci"
Sana bukas makulong si FG Arroyo kasama si Abalos
Sana bukas wala na tayong issue sa World Bank
Sana bukas hindi na replay ang Mr. Bean Cartoon
Sana bukas wala na giyera sa Mindanao
Sana bukas palayain na ang mga bihag ng Abu Sayyaf
Sana bukas laban ni Pacquia
Sana bukas wala ng kotong cops
Sana bukas tanggalin ang oil deregulation
Sana bukas hindi na korni si Willie Revillame
Sana bukas alisin ang expiracy date sa regular load
Sana bukas libre na ang text
Sana bukas ibigay ang para sa mga magsasaka
Sana bukas ibigay ang para sa mga war veteran
Sana bukas itaas ang sahod ng mga teachers
Sana bukas ng iaabort na fetus
Sana magising pa ako bukas
Sana bukas wla ng corrupt sa Gobyernong Arroyo at higit sa lahat
Sana bukas wala na si GMA sa pwesto niya... hay salamat..
Wednesday, March 11, 2009
NASAAN NA ANG MGA BATA?
Napansin ko lang wala na yatang naglalaro sa mga kalsada ng mga larong pambata. Katulad ng tumbang preso, habulan taya, agawan base, patintero, langit lupa, jolens, taguan, sipa, teks, trumpo, pellet gun at iba pa. Halos lahat yata ito nalaro ko na. Kahit paminsan-minsan sumasabog ang nguso at nasusugatan enjoy pa rin laruin ang mga laro na ito. Masaya rin kapag may nag-aaway. Suntukan lang ng mga bata kasama din yon sa laro eh hehe. Pinakagusto naman sa lahat ng laro ay ang bahay-bahayan =). Larry Marcelo natatandaan mo ba si Darling?! diba ikaw ang anak namin bakit ganon ang anak?! hahaha'. Pero sa totoo lang nakakamiss talaga ang mga laro na yan. Kahit yung mga panlarong pambabae nalaro ko rin yan eh kagaya ng 10 20, chinese garter, jackstone, at mga dolls hehehe kasi ba naman pagpupunta ako don puro mga babaeng bata nandoon eh wala na akong makalaro kaya ayon nakikisali na lang ako. Hindi ako bakla no! haler! =). Ang pinakahindi ko naman makakalimutan ay yung taguan _ _ _ _ _. hehe! taguan tlga siya kaso may twist sa laro hehe.. magtatago kami sa madilim na sulok tas may dala kming _ _ _ _ _ _ _. Ang kailangan lang para hindi ka maboom or mataya ay magkaroon ng _ _ _ _ _ yung _ L_ _ _ _ _. Pinakapaboritong spot namin don sa ilalim ng karo siguro mga kinse kaming nagtatago don hahaha! Bahala na kayong magisip kung ano un hehehe. Sana nga lang maibalik yong mga laro dati kasi tlga namang masaya at nakakaenhance pa sa paglaki ng isang bata hindi yung lagi na lang sa computer nakaharap. =)
Monday, March 9, 2009
Thursday, March 5, 2009
(SEHS BATCH02)
guys eto yung place ng pagsuswimmingan natin..
copy and paste nyo lang tong url na nsa baba..
http://annarlegal.multiply.com/photos/album/37/calambalaguna#
copy and paste nyo lang tong url na nsa baba..
http://annarlegal.multiply.com/photos/album/37/calambalaguna#
Monday, March 2, 2009
ANG ALUMNI HOMECOMING AT SI DENNISE PABUA
1st General Alumni Homecoming Sta. Elena High School March 1, 2009
Pagdating ko kina Ardieson dela Paz ay si Roberto Andres pa lang ang nandoon. Ang akala ko ay marami na sila doon. Lumipas ang ilang minuto dumating na rin sina Mark Arvin Santos, Jay Arcilla at Michael Marcelino. Hinintay muna naming magbihis si Ardieson bago kami u
Subscribe to:
Posts (Atom)