Tuesday, August 3, 2010

SESSION LANG TALAGA DAPAT ITO ^_^ v

Aug01,2010 Nagyayang uminom si Jake Manalo sa ENZIMONE pero ang nangyari napunta kami sa MEYOKS dahil sarado na pala ang ENZIMONE. Ang yayang inuman lang napunta sa meeting. Hindi ko talaga alam na hindi pa la alam nila Ronel at Solei ang session na ito. At hindi ko rin nasabihan si Jaja tungkol sa meeting ng August 2 (monday). Pasensya na =) Nagulo tuloy yung usapan pero salamat na lang at naayos din agad. =) Marami din namang pumunta sa session na ito kita naman sa litrato diba?! Nasa kabilang table din si Lovi Poe (tama ba spelling ng name niya? hehehe) Yung iba daw pupunta pero hindi naman dapat hindi na lang kayo nangako. Yung iba naman talagang hindi makakapunta kasi may mga pasok na kinabukasan. hmp! =) Ang napag-usapan sa meeting ay magbabar na lang kasi karamihan sa mga kabatch namin ay may mga asawa na. Baka kasi hindi sila payagan ng swimming tapos masyado ring nakakapagod daw kung swimming kasi ang dami mo pang bibitbitin eh magbabar tamang sarili mo na lang at pera ayos na. =) Hanggang ngayon ay isyu parin ang lower section at higher section. Kasi naman dati noong 4th year kami parang ang susungit ng mga nasa higher section lalo na sa section 1 hehehe. Pasensya na sa mga taga section 1 ha? hehehe yun lang naman ang obserbasyon ko. Pero hindi naman pala lahat hehehe kasi noong 1st reunion may pumunta na taga section 1 at yung inaakala kong hindi pupunta pumunta. Salamat nga pala ulit =). Tapos pagmay mga Extracurricular activities sa school lagi na lang nanalo ang section 1. Kaya nga sinasabi ng mga taga section 2 pababa, "daya naman yon eh! Sila na lang lagi nananalo" hehehe. Pero talaga namang MAGAGALING ang mga taga section 1 kaya nga sila nandon diba?=) Hehehe ano ba yan?! Ang tatanda na natin para isipin payon. Hindi na tayo mga bata =). May mga anak na KAYO! kami wala pa hehehe. Ang reunion na ito ay hindi lang magpayabangan kung anong natapos mo or yumaman ka na. Kamustahan ng mga dating nagkarelasyon (uuyy!! ^_^), magkakaibigan, mga dating nagkatampuhan, mga karibal, mga nagkasuntukan, mga hinahangaan, mga dati mong inaasar na pangit ngayon gumanda na, mga hindi mo akalaing naging ganito siya ngayon at magkakafrat, magkakadancer at kung anu-ano pa. Pwede rin tayong magtulungan kung may mga nangangailangan jan ng tulong. Wag lang pera ha? wala ako non yung iba jan meron hehehe. Tamang moral support lng ako eh ^_^.

No comments: