
Sa loob ng 4 days na pagseseminar dito sa EXCITE napakarami kong natutunan. Lahat ng prof at staff dito ay magagaling at approachable pa. Kahit na napakalayo nitong lugar na ito ay sulit naman. Buti na lang ay may programa na ganito para sa mga teachers. Sa tulong ng PROVINCE OF RIZAL EDUCATION DEVELOPMENT ADVISORY COUNCIL, GURONASYON FOUNDATION, INC., URS DEVELOPMENT FOUNDATION, INC., UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM and PROVINCE OF RIZAL ay naging matagumpay ito. Ang layunin ng programang ito ay mahasa sa ENGLISH at IT ang mga guro ng mga taga RIZAL. Alam naman natin na ang medium of instruction ay English. Kung mas maipaliliwanag ng guro ng malinaw sa Ingles ang pinag-aaralan mas madaling makukuha ng bata ang kanilang pinag-aaralan. Kung marunong naman sa IT ang isang guro basic man ito o intermediate pwede niya itong gamitin sa pagtuturo o sa paggagrado ng bata. Isang halimbawa sa powerpoint presentation kung gusto niyong mas interactive ang pagtuturo magagamit mo ito. Isa pa ay ang MS Excell, sa pagcocompute ng grades magagagmit mo ito kung marami kang hawak na estudyante.
No comments:
Post a Comment